Mga minamahal naming Kapatid sa Pananampalataya,
Ang kapayapaan, kagalakan at dakilang pagibig ni Emanuel ay sumainyo!
Sa ngalan ng NLC, binabati namin kayo nitong Kapaskuhan
at pinasasalamatan na tayo ay magkakasama sa isang komunidad
na tapat at naglilingkod kay Kristo.
Isang biyaya na tayo ay pinagbuklod ng Mahal nating Ama bilang isang pamilya,
at ginagabayan ng Espiritu Santo sa ating sama-samang paglalakbay.
Nawa'y sa Bagong Taon, ang ating komunidad ay maging higit na bukas,
di lamang sa isa't-isa, kundi sa nakararami nating mga kababayan,
lalo na ang mga naiiwanan sa laylayan,
at sa awa Ng Diyos, tayo'y maging lalong maalalahanin
sa kanilang mga pangangailangan.
Sapagka't ang Bawa't Isa ay Mahalaga, nilikha ng Diyos at minamahal,
Handog sa atin upang mahalin at paglingkuran
Sa ngalan ng isang Sanggol na isinilang
upang matamo ng lahat ang buhay na ganap.
ISANG PINAGPALANG PASKO SA ATING LAHAT!
Malugod na bumabati,
Rose Bautista
President, Christian Life Community in the Philippines
Let us continue to pray and work for our nation, rooted in Christ’s justice, truth, and peace. 🇵🇭 Read more
Let us continue to pray and work for our nation, rooted in Christ’s justice, truth and peace. Read more
Nawa’y palakasin tayo ng Biyaya ng NA 2025 bilang isang layko, Ignaciano, mapagkilatis, at apostolikong pamayanan — laging may pag-asa at kaisa ni Kristo sa pagtataguyod ng Kaharian ng Diyos. Read more
We are sharing with you this edition of Horizons 186. It is our hope that Horizons 186 will inspire us to deepen our understanding and sensitivity to the forms of family that are lived - Read more