Minamahal na mga kapatid,
Maligayang Pasko at isang Mapagpalang Bagong Taon!
Nararapat na tayo'y magdiwang at magpasalamat para sa mga biyayang napagkaloob sa atin nitong nakaraang taon. Higit sa lahat ay ang handog ng Diyos Ama ng kanyang kaisa-isang Anak na isinilang para maghatid ng balita ng kaligtasan sa atin.
Nguni't marami ang nahihirapang magdiwang dahil sa mga kalamidad at pagsubok na nararanasan sa mga panahong ito. Nawa'y ang pagsilang ni Hesus ay magdala ng bagong pag-asa, batid na sa kalagitnaan ng kahirapan, narito at sinasamahan tayo ni Emanuel.
Tayo'y manalangin na, sa tulong ng grasya ng Diyos, maipadama sa kapwa, lalo na sa ating mga kapatid na kapuspalad, ang pagmamahal ni Kristo, hindi lamang nitong Kapaskuhan, kundi sa araw-araw nating pagsisikap na masundan at matularan si Kristong dukha at mapagkumbaba. Para sa higit na kaluwalhatian ng Diyos!
Naglilingkod,
Rose, Beng, Je, Kenneth
NLC 2022-2025
Ready to experience the joy of Twinning or Tripling? We encourage you to reach out and invite one or two other communities to connect! You can initiate the activity yourself or collaborate wi Read more
We will meet this Saturday, March 22nd at 10:00 PM (Philippine time) to join in prayer. The video will be available on our YouTube channel https://www.youtube.com/@cvxclc7673/featured. Read more
We hope this message finds you well. This is a friendly reminder of some important upcoming dates: Read more
We would like to inform you of the new mobile and Viber number for CLCP. Kindly update your contacts with the following number: Mobile/Viber Number: +63 917 176 4882 (Globe) Read more