|
Minamahal na mga Komunidad ng CLCP,
Mapagpalang pagbati ng kapayapaan at pag-asa kay Kristo!
Ikinagagalak naming ibahagi sa inyo ang Biyaya ng National Assembly 2025, na ginanap noong Agosto 22–25, 2025, sa Maryhill Retreat House, Rizal, na may temang: “Isang Pamayanang Puspos ng Pag-asa, Tinawag na Makibahagi sa Misyon.”
Gabay na Biyaya: “Panginoong Hesus, tulungan Mo kaming makatagpo Kang muli, muling sindihan ang aming pag-asa, at pagyamanin ang aming misyon.”
Bilang unang pambansang pagtitipon kung saan tayo ay magkasama nang harapan mula noong pandemya, muli nating naranasan ang biyaya ng ating komunidad - na mula sa iba’t ibang henerasyon, at mayroong taglay na mga misyon - nagkakaisa sa panalangin, pagninilay, at pag-asa.
Sa biyayang ito ng ating National Assembly, pinaalalahanan tayo na ang ating pagkakakilanlan at misyon bilang CLC ay nakaugat sa Muling Nabuhay na Kristo at sa mga Spiritual Exercises, pinayayaman ng mga pagtatagpo, at muling pinasigla sa pag-asa. Patuloy tayong tinatawag na isabuhay nang tapat ang ating bokasyon — sa sama-samang pagkilatis, sa pagdamay sa isa’t isa, at sa pakikibahagi sa misyon na ipinagkatiwala sa atin ng Panginoon.
Inaanyayahan namin ang bawat komunidad ng CLC na manalangin sa Biyaya ng ating National Assembly 2025 sa pamamagitan ng isang Lectio Divina, na susundan ng Spiritual Conversation. Pagkatapos ninyong maisagawa ang inyong panalangin at pagbabahaginan, mangyaring isumite ito bago ang Pebrero 15, 2026. π bit.ly/reflections-on-the-NA2025Grace. Makakatulong ito sa paghahanda ng inyong lokal na komunidad para sa apostolic planning. Ang inyong tapat at mapanalanging mga tugon ay magsisilbing gabay din sa ating pang-rehiyon at pambansang apostolic discernment, bilang mahahalagang palatandaan kung saan higit na kailangan ang mas malalim na pagninilay at pag-uusap — upang tayo ay patuloy na lumago sa iisang misyon bilang isang apostolikong katawan.
Nawa’y palakasin tayo ng Biyaya ng NA 2025 bilang isang layko, Ignaciano, mapagkilatis, at apostolikong pamayanan — laging may pag-asa at kaisa ni Kristo sa pagtataguyod ng Kaharian ng Diyos.
Sa pag-asa at pag-ibig ni Kristo,
National Leadership Community
|