CLCP Stand Against Corruption in Governance

September 27, 2025 | Story by: Christian Life Community in the Philippines | May we continue to stand for truth, justice and the common good, as “we seek to follow Jesus Christ more closely and work with him for the building of the Kingdom, and as we participate in...

 

 

Dear brothers and sisters in Christ in the CLCP, 
 

In light of the recent signs of the times in our country -  the misuse of public funds in anomalous flood control projects and questionable shortcuts in the budget process of our Congress - we are called to reflect, discern and respond to God’s call to us, as one lay, Ignatian, discerning, apostolic, community, guided by our CLC General Principles and our Church Social Teachings.
 

Our GP 4 states: “We aim to become committed Christians in bearing witness to those human and Gospel values within the Church and society, which affect the dignity of the person, the welfare of the family and the integrity of creation. We are particularly aware of the pressing need to work for justice through a preferential option for the poor and a simple lifestyle, which expresses our freedom and solidarity with them.”
 

As one lay, Ignatian, discerning, apostolic community, we are sharing our Christian Life Community in the Philippines’ stand on the misuse of public funds and corruption in governance.  We are also sharing the following documents for your personal and/or communal reflection: 

(1) Community Meeting Module to prayerfully reflect on the CLCP Stand and a Guide to Examining My Personal Life and Choosing What is Right Against Corruption in Governance to aid in our prayer and discernment, and 

(2) Suggested weekly prayer intentions that you can integrate with your daily Rosary prayers for the month of October.  

We express our solidarity with our brothers and sisters who are affected by the recent typhoons (Nando and Opong) in our country. We request for everyone’s prayers and generosity in aid of our affected communities. 

May we continue to stand for truth, justice and the common good, as “we seek to follow Jesus Christ more closely and work with him for the building of the Kingdom, and as we participate in Christ’s mission - bringing about maturity in faith and social justice, with a sense of urgency, availability and disponibility.”

In Christ’s peace,

 

National Leadership Community 2025-2028

Lynda Sibal (President)

Tinnah dela Rosa (Vice President)

Jessa Tabut (Treasurer)

Tiffany Hope To (Secretary)

 

CLCP Stand Against Corruption in Governance (PDF Files)

 

 

Minamahal na mga kapatid kay Kristo sa CLCP,
 

Sa gitna ng mga kasalukuyang tanda ng panahon sa ating bansa — ang maling paggamit ng pondo ng bayan sa mga kaduda-dudang proyekto sa pagpigil ng baha at mga kwestyonableng proseso sa pag-apruba ng badyet sa ating Kongreso — tayo ay tinatawagan upang magnilay, kumilatis, at tumugon sa panawagan ng Diyos sa atin bilang isang komunidad na layko, Ignaciano, mapanuri, at apostoliko, at ginagabayan ng ating CLC General Principles at ng Panlipunang Turo ng Simbahan hinggil sa panlipunang katarungan.
 

Ayon sa General Principles 4 (GP 4):  “Layunin nating maging tapat na Kristiyano na nagpapatotoo sa mga pagpapahalagang pantao at Ebanghelyo sa loob ng Simbahan at lipunan — mga pagpapahalagang may kinalaman sa dignidad ng tao, kapakanan ng pamilya, at integridad ng sangnilikha. Taimtim nating kinikilala ang agarang pangangailangang magsulong ng katarungan sa pamamagitan ng pagtataguyod sa mga mahihirap at simpleng pamumuhay bilang pagpapahayag ng ating kalayaan at pakikiisa sa kanila.”
 

Bilang isang komunidad na layko, Ignaciano, mapanuri at apostoliko, buong-puso naming ibinabahagi ang paninindigan ng Christian Life Community in the Philippines hinggil sa maling paggamit ng pondo ng bayan at katiwalian sa pamahalaan. Kalakip din dito  ang mga sumusunod na dokumento para sa inyong personal at pang-pamayanang pagninilay:

  1. Modyul ng Komunidad upang mapagnilayan ang Paninindigan ng CLCP at isang Gabay sa Pagsusuri sa aking Personal na Buhay at Pagpili ng Ano ang Tama Laban sa Korapsyon sa Pamamahala, at

  2. Iminumungkahing lingguhang intensyon sa panalangin na maari mong isama sa iyong  pang-araw-araw na panalangin ng Rosaryo sa buwan ng Oktubre.
     

Ipinapahayag namin ang aming pakikiisa sa ating mga kapatid na naapektuhan ng mga nagdaang bagyo (Nando at Opong) sa ating bansa - hinihiling namin ang panalangin at pagbubukas-palad ng lahat bilang tulong sa ating mga apektadong komunidad.
 

Nawa’y patuloy tayong manindigan para sa katotohanan, katarungan, at kabutihang panlahat habang tayo’y:  “...nagsusumikap na sundan si Hesukristo nang mas malapit at makiisa sa Kanya sa pagtatatag ng paghahari ng Diyos; at bilang pakikibahagi sa misyong ito ni Kristo — isulong ang pagyabong sa pananampalataya at katarungang panlipunan, na may kasamang diwa ng agarang pagtugon, kahandaang maglingkod, at bukas-loob na paglalaan ng sarili.”
 

Sa kapayapaan ni Kristo,
 

National Leadership Community 2025–2028
Lynda Sibal (Pangulo)
Tinnah dela Rosa (Pangalawang Pangulo)
Jessa Tabut (Ingat-Yaman)
Tiffany Hope To (Kalihim)


 

Paninindigan ng CLCP Laban sa Katiwalian sa Pamahalaan (PDF Files)
CLCP Stand Against Corruption in Governance

May we continue to stand for truth, justice and the common good, as “we seek to follow Jesus Christ more closely and work with him for the building of the Kingdom, and as we participate in... Read more

National Leadership Community 2025-2028

With hearts full of gratitude, joy, and disponibility, we share the fruits of our individual and communal discernment soon after our transition meeting with the outgoing National Leadership.. Read more

2025 CLCP National Assembly Communication #5

Here are the latest updates regarding our National Assembly 2025. Read more