CLCP National Convention 2027 Invitation

September 23, 2026 | Story by: Christian Life Community in the Philippines | Buong galak namin kayong inaanyayahan sa ating 2027 Pambansang Kumbensyon, na gaganapin sa Enero 22-24, 2027, sa Caritas Christi Retreat Center sa Lungsod ng Naga, Camarines Sur.

Warm greetings from the Christian Life Community in the Philippines!
 

We joyfully invite you to our 2027 National Convention, to be held on January 22–24, 2027, at the Caritas Christi Retreat Center in Naga City, Camarines Sur with the theme:

Companions in God’s Mission: Joyfully Renewing Our Kinship with All Creation.

 

Inspired by Laudato Sí and by St. Francis of Assisi, whose 800th Jubilee we celebrate this year, the Convention will bring together CLC members and friends from across the country for three days of fellowship, encounter, prayer, discernment, celebration, and commitment.
 

Together, we will listen to the inseparable cry of the earth and the cry of the poor. But suffering is not the final word in God’s plan for creation. We gather in hope, trusting in God’s promise of “a new heaven and a new earth” (Revelation 21:1), and asking how we are called to participate in God’s work of renewal.
 

The Convention will follow a simple three-day movement:
 

Day 1 — The Wider Lens
Our keynote speaker, Mayor Leni Robredo, will help us examine the larger realities affecting poor and environmentally vulnerable communities—and consider what genuine co-responsibility asks of leaders, institutions, communities, and citizens.

 

Day 2 — Seeing and Encountering
At Badang ni Ignacio, an upland farm that is home to our Bicol communities, we will encounter the land and those who cultivate it, allowing the experience to deepen our respect, solidarity, and care for all creation.

 

Day 3 — Choosing and Acting
We will move from encounter and reflection toward ecological citizenship, personal and institutional conversion, shared action, and mission.

 

We hope that the Convention will be not only a time of prayer and discernment, but also a joyful celebration of our friendship in mission.
 

Important Details:

  • For Community Guides and Coordinators:  A Meeting of Community Guides and Coordinators will be held at the same venue on Thursday, January 21, 2027, immediately before the Convention. Community Guides and Coordinators are asked to make their travel and accommodation plans for both the meeting and the Convention. Further details will follow. Please arrive on Wednesday evening, January 20th. The Meeting begins at 8:30 a.m. on Thursday. CLCP will cover the cost of your board, lodging and registration fee for this day.

  • For All Convention participants: Please plan to arrive at the Retreat Center between 4 p.m. to 9 p.m. of Thursday, January 21, as registration begins at 8:00 a.m. on Friday. The Convention ends  after lunch on Sunday, January 24th.  Please plan to leave the Retreat Center no earlier than 1:00 PM. on Sunday, January 24th. 

Convention fee:

Particulars

Amount

Registration Fee: Board & Lodging (Jan. 21, 2027 Arrival)

₱ 6,500.00

Registration Fee: Board & Lodging (Jan. 22, 2027 Arrival)

₱ 5,800.00

Registration Fee: Meals Only

₱ 4,800.00

 

Early Bird Rate: ₱ 6,000.00 (Until November 15, 2026)


Payment Terms:

  • Installment (Until January 15, 2027)

Click Here for CLC Subsidy Request Form
Click Here to Register: 2027 CLCP National Convention
Click Here for 2027 NC Travel Options
Click Here for the National Convention Schedule

Come, let us listen, encounter, discern, rejoice, and renew our kinship with all creation as companions in God’s mission.

 

We look forward to welcoming you to Naga!


 

In Christ's peace,
 

Lynda, Tinnah, Jessa, Fanny, and Marge
National Leadership Community

 

 

 

Mainit na pagbati mula sa Christian Life Community in the Philippines!
 

Buong galak namin kayong inaanyayahan sa ating 2027 Pambansang Kumbensyon, na gaganapin sa Enero 22-24, 2027, sa Caritas Christi Retreat Center sa Lungsod ng Naga, Camarines Sur.
 

Mga Kaagapay sa Misyon ng Diyos: Magalak na Pinagpagpapanibago ang Ating Pakikipagkapatiran sa Buong Sangnilikha 
 

Sa inspirasyon ng Laudato Si at ni San Francisco ng Assisi, na ang ika-800 hubileo ay ipinagdiriwang natin ngayong taon, pagtitipunin ng Kumbensyon ang mga kasapi at kaibigan ng CLC mula sa iba't ibang panig ng bansa para sa tatlong araw ng pagsasama-sama, pakikipagtagpo, panalangin, pagninilay at pagkilatis, pagdiriwang at pagtatalaga.
 

Magkasama nating pakikinggan ang hindi mapaghihiwalay na panaghoy ng sangnilikha at panaghoy ng dukha.  Sa ating pananalig na hindi pagdurusa ang huling salita sa plano ng Diyos para sa sangnilikha, magtitipon-tipon tayo sa pag-asa, nagtitiwala sa pangako ng Diyos ng "isang bagong langit at isang bagong lupa" (Pahayag 21:1), at nagtatanong kung paano tayo tinatawag na makibahagi sa Kanyang gawain ng pagpapanibago.
 

Susundan ng Kumbensiyon ang isang payak na daloy sa loob ng tatlong araw:
 

Unang Araw — Ang Mas Malawak na Pananaw
Sa tulong ng ating pangunahing tagapagsalita, Mayor Leni Robredo, titingnan at susuriin natin ang mas malawak na mga kalagayang nakaaapekto sa buhay ng mga mahihirap at ng  mga pamayanang lantad sa mga panganib na dulot ng pagkasira ng kapaligiran.  Sama-sama rin nating pag-iisipan kung ano ang hinihingi ng tunay na magkatuwang na pananagutan  sa mga pinuno, institusyon, pamayanan, at mamamayan.

 

Ikalawang Araw — Pagmamasid at Pakikipagtagpo
Sa Badang ni Ignacio, isang bukirin sa kabundukan na tahanan ng ating mga pamayanan sa Bicol, makikipagtagpo tayo sa lupa at sa mga nangangalaga nito.  Hahayaan nating palalimin ng karanasang ito ang ating paggalang, pakikiisa, at pangangalaga sa buong sangnilikha.

 

Ikatlong Araw — Pagpili at Pagkilos
Mula sa pakikipagtagpo at pagninilay, kikilos tayo tungo tayo sa personal at institusyonal na pagbabagong-loob, pagiging mamamayang may malasakit sa kalikasan, sama-samang pagtugon, at misyon.

 

Umaasa kaming ang Kumbensyon ay hindi lamang magiging panahon ng panalangin at pagkilatis, kundi isa ring maligayang pagdiriwang ng ating pagkakaibigan at pagsasama sa misyon.
 

Mahahalagang Detalye

  • Para sa mga Community Guides at Coordinators: Gaganapin ang Pulong ng mga Community Guides at Coordinators sa parehong lugar sa Huwebes, Enero 21, 2027, bago ang Kumbensyon. Hinihiling sa mga Community Guides at Coordinators  na planuhin ang kanilang paglalakbay at matutuluyan para sa parehong pagpupulong at Kumbensyon. Susunod ang iba pang mga detalye. Mangyaring dumating sa gabi ng Miyerkules, Enero 20. Magsisimula ang pagpupulong sa ganap na ika-9 ng umaga sa Huwebes. Sasagutin ng CLCP ang gastos sa inyong tutuluyan, pagkain, at bayad sa pagpaparehistro para sa araw na ito..

  • Para sa Lahat ng Kalahok sa Kumbensiyon: Mangyaring planuhing makarating sa Retreat Center sa pagitan ng ika-4 ng hapon at ika-9 ng gabi sa Huwebes, Enero 21, dahil magsisimula ang pagpaparehistro sa ganap na ika-8 ng umaga sa Biyernes. Magtatapos ang Kumbensyon pagkatapos ng tanghalian sa Linggo, Enero 24. Mangyaring planuhing umalis sa Retreat Center nang hindi mas maaga sa ika-1:00 ng hapon sa Linggo, Enero 24. 

  • May mga tulong pinansyal at mga hulugang paraan ng pagbabayad na maaaring piliin kapag kayo ay nagparehistro.

 

Bayad sa Kumbensiyon:

Particulars

Amount

Registration Fee: Board & Lodging (Jan. 21, 2027 Arrival)

₱ 6,500.00

Registration Fee: Board & Lodging (Jan. 22, 2027 Arrival)

₱ 5,800.00

Registration Fee: Meals Only

₱ 4,800.00

Mas Mababang Bayad para sa Maagang Magpaparehistro:
₱ 6,000.00 (Hanggang November 15, 2026)

 

Mga pagpipilian sa Pagbabayad:

  • Hulugan (Hanggang January 15, 2027)

Pindutin Para sa Kahilingan ng Tulong Pinansyal
Pindutin Ito Para Makapagrehistro: 2027 CLCP National Convention
Pindutin Para sa Mga Pagpipilian sa Biyahe
Pindutin Para sa mga Gawain sa Convention

Halina at sama-sama tayong makinig, makipagtagpo, mangilatis, magalak —at pagpanibaguhin ang ating pakikipagkapatiran sa buong sangnilikha bilang mga kaagapay sa misyon ng Diyos.
 

Nanabik kaming salubungin at makasama kayo sa Naga!

 

Sa kapayapaan ni Kristo,
 

Lynda, Tinnah, Jessa, Fanny, and Marge
National Leadership Community

 
CLCP National Convention 2027 Invitation

Buong galak namin kayong inaanyayahan sa ating 2027 Pambansang Kumbensyon, na gaganapin sa Enero 22-24, 2027, sa Caritas Christi Retreat Center sa Lungsod ng Naga, Camarines Sur. Read more

Reminder: Online Retreat in Daily Life (RDL) – Registration Deadline September 20

A gentle reminder that registration for the Online Retreat in Daily Life (RDL) is open until September 20, 2026. As part of our ongoing formation and renewal, the Formation Team, with the Read more

𝙒𝙚𝙡𝙘𝙤𝙢𝙚 𝙩𝙤 𝙤𝙪𝙧 𝙉𝙚𝙬 𝙀𝙭𝙚𝙘𝙪𝙩𝙞𝙫𝙚 𝙎𝙚𝙘𝙧𝙚𝙩𝙖𝙧𝙮

Please join us in warmly welcoming Jayson to our CLC family. In his new role, he will provide administrative, coordination, and operational support to the National Leadership Community and th Read more