MAIKLING KASAYSAYAN NG CLC-TANGLAW
I. Bunga ng Apostolado
Ang “Tanglaw CLC” ay bunga ng apostolado ng Saluysoy CLC na nuon ay tinatawag na Hiyas CLC. Ang Hiyas CLC and masasabing mother unit ng Tanglaw CLC. Maraming tao at pangyayari ang ginamit ng Panginoon bago sumibol ang Tanglaw. Sa pamumuno ni Rading Porciuncula at Rolly Trinidad na nuon ay Pangulo ng Hiyas CLC, ang isang Core Group ay naitatag sa Bancal. Ang mga bumubuo ng Core Group ay sina Fr. Dick Santos na nuon ay Co-Adjutor ni ni Msgr. Felix Sicat ang Kura Paroko ng Francisco de Asis, si Rading Porcuincula ng Hiyas CLC, si Rolly Trinidad ng Hiyas, si Amy Balleras, si Anita dela Cruz, Fred Martillano, Vic Pihipol at Ernesto Pacheco. Malaki ang tulong na nagawa ni Fr. Dick Santos para sa Core Group. Laging may misa sa meeting na ginaganap lingo-lingo. Nagdaraos ng recollection, share a day at evaluation ang core group na ito. Ang pamayanan ng core group na ito ay pinalakas at pinatatag ng patuloy na formation meeting na ginaganap sa bawat tahanan ng mga kasapi at minsan ay sa kumbento sa kapahintulutan ng Kura Paroko, Msgr. Felix Sicat. Ang magandang pagsasama ng core group ay nagbunga ng panibagong grupo, pagkaraan ng isang taon. Bago nabuo ang grupo na tinawag na Tinig ay nagkaroon muna ng Leadership Training na ginanap sa Sta. Isabel Malolos Cursillo House. Halos lahat ng kasapi ng naitatag na grupo ay kursulista. Sa simula ay humigit sa sampu ang dumadalo sa meeting. Lumipas ang panahon at ito na lamang ang natira: Ka Ascio Pacheco, Loly de Guzman, Roger Elopre, Tessie Oliva, Viring Porciuncula. Sumanib ang Core Group kaya dumami ang Tinig CLC. Nuong 1975 ay nagkaroon ng CLC Orientation Seminar na pinangunahan nina: Ronnie Villegas, Stanley Lee at Ming Espero madalas din ang share a day o recollection na ibinibigay ni Fr. Ben Sim, S.J. minsan isang buwan. Napakasigla ng samahan ng Tinig palibhasa ay Kursilista ang lahat kaya napag-iisa at napag-sasanib ang mga Gawain bilang CLC at Kursilista. Si Ka Ascio bilang Pangulo ay totoong masigla at aktibo sa parokya sa bayan at sa baryo ng Bancal. Naging mahalagang bahagi ng Tinig ang HE building ng Bancal Elementary School. Kung saan ginaganap ang regular meeting ng grupo. Ang rest house ni Ka Pisang sa Caingin ay isang lugar na hindi rin malilimutan ng Tinig. Kulang-kulang isang taon ang nakaraan at panibagong grupo ang natatag. Ito ay ang tinawag na Tanglaw CLC. Sa tulong naman ng Tinig naihanda ang mga kasapi ng Tanglaw original na sina Ligaya Pascua, Andeng Pascua, Mameng Balleras, Carding Elemento, Mundo Concepcion, Lope Santos, Loreto San Diego, Loreta San Diego, Pacio Chua, Juanito Otura, Celso Salvador. Sa Paglipas ng panahon ay may nadagdag na kasapi sina Ka Amado Samson, Aling Belen at Coring Belen, Nelly Sarmiento. Halos kaalinsabay ng Tanglaw ang pagkakabuo ng Light Searchers ang unit ng Kabataan na binubuo nina Baby de Guzman, Benny Manlapaz, Boy Baradi, Dina Chua, Carmen Origen, Eddie Avellanoza, Espie Llanoza, at Josie Sales na pawing na taga Bancal. Tumagal lamang ng ilang taon ang samahan. Nakatutuwang alalahanin na tatlong pares na mag-asawa ang kinalabasan ng Light Searchers. Sina Baby de Guzman at Benny Manlapaz ay nag-isang dibdib. Sumunod sina Boy Baradi at Dina Chua, sumunod naman sa kanila ay sina Carmen Origen at Eddie na nasa California na ngayon. May ilang panahon din naming nagkasama-sama sa Gawain ang grupong ito sa Bancal. Kung minsan ay nagkakaroon sila ng sama-sama recollection o “Share a Day” sa Caingin o dili kaya sa Bignay. Ilang mahalagang gampanin nila na sama-samang nagawa ay ang “Panawagan” na isinasagawa kung sumasapit ang pasko.
Ang grupo ng CLC ay kauna-unahang nagpalabas ng ganito sa Bancal na may layunin magmulat ng mga nalalabuang kaisipan. Ito ay paraan ng social conscientization. Ilang proyekto ng Tanglaw ay ang mga sumusunod. Nakapagtatag din ng credit cooperative na tinawag na Daop Palad sa pag-unlad. Marami ang natulungan ng coop na ito sa loob ng maraming taon. Sama-sama rin sila sa pagdayo sa iba’t-ibang lugar upang ikalat ang Mabuting Balita. Sa Caloong, Sta. Maria, Camalig, Caingin au umaabot ang kanilang paglilingkod. Ang Bunga ng Apostolado ay nagbunga rin ng apostolado!
II. Pinagsama ng Tadhana
Nang namayapa si Ka Lody de Guzman, ang Ingat-Yaman ng Tinig, di naglaon at sumunod si Ka Ascio Pacheco ang Pangulo ng Tinig CLC. Parang nabuhusan ng tubig ang alab ng Samahan. Ang dating sigla at init ay nanamlay at unti-unting nanlamig ang Tinig. Isa-isang tumigil at humanap ng bagong masasamahan ang mga kasapi. Si Amy B. Trinidad ang Kalihim ng Tinig ang unang tumigl sa pagdalo nuong taong 1982. Ito ay bago pa namatay si Ka Ascio, sa kadahilanang sunod-sunod ang mga dumating na mga anak at nahirapan siya sa pag-aalaga ng nagsisikaling mga bata. Nagsilbing pampalubag loob sa kanya ang pagiging kasapi sa CLC ng kanyang asawa sapagkat naibabahagi ni Rolly sa kanya kung anuman ang tinatanggap niya sa CLC. Ang dahilan naman ng paghinto ng iba ay ang paglipat ng tirahan. Si Tessie Oliva ay nalipat sa Sto. Niño; gayundin naman si Ka Viring Porciuncula. Lumipat siya sa Dolores, Quezon. Ang mga matitibay naming kasapi ng Tinig na sina: Erning Pacheco, Rolly Trinidad, Anita dela Cruz, Roger Elopre ay sumanib sa Tanglaw CLC upang humanap ng lakas at grupong kakandili sa kanila. Nuong 1994, ay ipinahintulot ng Panginoon ang pagbabalik ni Amy Trinidad sa CLC at sumanib din siya sa Tanglaw. Sa kasalukuyan ang Tanglaw CLC ay isang unit ng pinagsama-samang Tinig, Tanglaw at Ilaw. Mula sa Tinig sina Erning Pacheco, Rolly Trinidad at Amy B. Trinidad sa Tanglaw original si Ka Amado Samson ang kasalukuyang Pangulo ng Tanglaw, si Ka Nene Ziganay ang Ingat-Yaman, si Iyeng San Diego at si Ka Lope Santos. Sa Ilaw naman galling ang ampong kasapi ng Tanglaw na si Oyang dela Cruz. Sila ang pinagsama-sama ng Tadhana. Ang Kasalukuyang Tanglaw CLC.
III. Mga Mithiin – Pananaw at Misyon
“Lukas 12:49 - Dumating ako upang maghagis ng apoy sa lupa at ganoon na lamang ang pagnanais kong magliyab n asana ito!”
Makabuo ng mga bagong pamayanan at mapasiglang muli ang mga malalamig na mga CLC units sa Bulacan ang ilang mithiin ng Tanglaw. Nais din ng Tanglaw na makatulong sa mga gawaing pamparokya at pangsimbahan, sa parokya ni San Bartolome at ni San Francisco de Asis.
Layunin din ng Tanglaw na makatulong sa pagbabago tungo sa makatao, makatarungang lipunan at pamayanan ng Meycauayan. Ang mga ito kaya’y manatiling mithiin at pananaw lamang?
IV. Sama-sama sa Pag-unlad
Ang susi ng kaunlaran ay nasa pag-aaral at nasa pagsisikap mabago ang sarili at matuto. At siyempre una sa lahat sa pamamagitan ng awa at tulong ng Panginoon. Bukas ang kaisipan ng Tanglaw sa mga bagay na ito, kaya’t ang mga kasapi ay masipag dumalo sa mga training institutes, seminars, conventions, general assembly, retreats at iba pang activities na makakatulong sa kanilang pag-unlad. Mula 1975 at hanggang sa kasalukuyan ang pagnanais lumago at umunlad sa pansarili at pang-grupo ay nasa puso ng Tanglaw CLC. Sinisikap ng bawat isa na mapunan ang mga kakulangan ng sarili sa pamamagitan ng pagdalo sa mga nabanggit na Gawain. Ayon sa karanasan, napatunayan ng Tanglaw na nagging epektibo para sa grupo ang sama-samang pag-aaral. Hindi lamang sa pangkaisipan, pangkaluluwa kundi ang pagsasama-sama sa Kristiyanong pamaraan. Lalong tumitibay ang bigkis o bonding ng pamayanan kung mayroong nagkakaisang karanasan at sama-samang gawain. Sa pagkakaisa at pagsasama naroon ang kalakasan ng grupo.
Makikita natin na ang Panginoon ay kumikilos sa pamamagitan ng kanyang mga nilikha: sa mga lugar. Tiyak, ang mga ito ay ginamit ng Panginoon para rin sa mga pangyayari at sa mga lugar. Tiyak, ang mga ito ay ginamit ng Panginoon para rin sa mga nilikha: sa mga taong nakapaligid sa atin, sa mga pangyayari at sa mga lugar. Tiyak, ang mga ito ay ginamit ng Panginoon para rin sa mga taong nilikha Niya. Malaki ang naitulong ng mga sumusunod sap ag-unlad ng Tanglaw maging sa pangkaisipan, pangkaluluwa at pandamdaming aspeto. Sila ang mga pari at kapwa CLC na naging Retreat Guides mula noon at hanggang sa kasalukuyan. Ang pagkakasulat ng pangalan ay hindi ayon sa pagkakasunod-sunod ng taon o panahon.
1. Fr. Ben Sim, S.J. 10. Fr. Lennie Sumpaico, S.J.
2. Veronica “Ronnie” Villegas 11. Fr. Dick Santos, SLN
3. Stanley “Stan” Lee 12. Fr. Ben Carlos, S.J.
4. Herminigildo “Ming” Espero 13. Aida Endaya
5. Fr. Jose Blanco, S.J. 14. Ate Rory Valdellon
6. Sonia Gomez 15. Didi Villegas
7. Fr. Denny Toledo, S.J. 16. Lita Bombilla
8. Fr. Ramon Mores, S.J. 17. Fr. Albert Suatengco
9. Mel Bernardo 18. Lida Onal
Sa uri ng apostolado ng CLC lalo na ang Tanglaw, kailangan ang kasanayan sa paghawak ng pulong sa pagpapadaloy sa pakikitungo sa mga tao, sa pagpapakilos ng mga grupo o mobilization. Nakikita ng bawat kasapi ng Tanglaw ang pangangailangan upang malinang ang mga kasanayan at kaalaman tungkol sa mga bagay na ito. Kaya’t lagi silang sabik at handa upang mapagdaanan ang mga kailangan pagdaanan. Hindi makakalimutan ng Tanglaw ang Fullness of Life Seminar na kanilang dinaluhan noong 1997 na ginanap sa Trece Martirez, Cavite. Nakita rin ang kahalagahan ng Guides’ Training noong 1995-96 na ibinigay ni Ronnie Villegas, ang matiyaga at masipag na group guide ng Tanglaw. Handa na ang grupo sa panibagong pagsasanay ang Retreat Guides’ Training na dinadaluhan ng Tanglaw mula Pebrero hanggang Agosto 2001 sa tahanan ni Ka Amado Samson. Sina Ate Rory at Aida Endaya ang matiyagang nagtuturo at sumasabay sa grupo. Hindi natatapos ang pag-aaral ng tao. Habang-buhay ang isang tao ay patuloy sa proseso ng pag-aaral at pagkatuto. Sa ganitong kaisipan, ang Tanglaw CLC ay kapit-bisig, sama-sama upang marating ang kaunlaran.
V. Pagiging Saksi at Lingkod
“Mateo 20:28 – Gayundin naman, dumating ang Anak ng tao hindi para paglingkuran, kundi para maglingkod at ibigay ang kanyang buhay bilang pagtubos sa marami.”
Sinisikap ng bawat isa sa grupo na maisabuhay ang natututuhan nila sa mga pagpupulong at formation courses na kanilang nadaluhan. Nakikita nila na kailangan ang pagbabagong anyo ng mga sarili at lipunan at pagtupad nang maayos sa bawat tungkuling nakaatang sa kanila. Hindi lamang sa grupo o sa sarili nakatuon ang pansin ng mga kasapi ng Tanglaw, kundi sa nangangailangan ng kanilang pagkalinga at paglilingkod. Sinisikap nilang makatugon ayon sa hinihingi ng pagkakataon, panahon, pangangailangan at sitwasyong dumarating. Mayroong pampersonal at panggrupong paglilingkod ay nakatuon sa MPK San Diego at Sunday School naman ang para sa MPK Juniors. Senior Citizens sa Bancal, Kababaihan SPPC ng Tugatog, SPPC ng Lawa at Libtong at sa pagsam sa paglalakbay ng ilaw CLC ng Sta. Maria. Bukas rin ang kaisipan at kalooban ng Tanglaw sa pagtulong at pagsuporta sa programang pangpamahalaan/ political gaya ng proyekto sa basura at sa tricycle. Kung minsan ay kainip-inip, mabagal ang kilos ng mga pangyayari pagkat wala sa ating mga kamay ang katuparan ng mga gusto nating maganap. Hindi dapat mawalan ng pag-asa gaano man katagal ang pagsisikap at paghihintay.
VI. Banaag at Sikat
Unti-unti, ang kalinawagan at katuparan sa pananaw at misyon (vision/Mission) ng Tanglaw ay natatanaw na at nababanaagan. Bagama’t mayroon pang manipis na kulandong ay nakatutuwa na ring malaman na may kaayusan sa paglago sa mga aspetong pampersonal, pang-grupo at apostoladong pamumuhay ng Tanglaw. Sa wari ay narrating na ng Tanglaw ang yugto kung saan ang mga kasapi ay may kahandaan at kabukasan sa pagbibigay ng kanilang mga sarili. Naghahanap na rin ng paraan upang makapaglingkod nang higit at lalo pang maayos kaysa una o ang tinatawag na “Magis”. Mayroon na ring tapang, hinahaon at tiyaga ang mga kasapi; handa na rin sa pagtanggap at pagharap sa mga di inaasahang mga pangyayari. Tunay nga marahil na ang landas patungo sa buhay na lantad o pagiging public ay unti-unti nang tinatalunton ng Tanglaw. Unti-unti hinahanda ang lahat. Hindi pa nga ganap ang lahat. Ngunit nababanaagan na ang sikat, magalak at magsaya. Idalangin natin at patuloy nating pagsikapang lumiwanag ang Tanglaw, sa awa at tulong ng Panginoon mangyayari ito. Ang kalagayang ito ng Tanglaw CLC ay isa lamang ayos at tamang-tamang alay sa ika-25 taong anibersaryo ng pagkatatag nito: 1975-2000.
MABUHAY ANG CLC
ANG BUHAY PAGLALAKBAY NG REHIYON NG BULACAN CLC
1968 - Mula sa Sodality of Our Lady nagging CLC ang grupong Hiyas ng Saluysoy sa ilalim
Ng Pamamahala ng kaunaunahang Pangulo nito si Rogelio I. Trinidad
1972 – 74 - Si Rading Porciuncula ay nanungkulan bilang Ingat-Yaman sa National LC
1975 - Nabuo ang Tinig CLC, Tanglaw CLC at Light Searchers CLC
1976 - Ilan sa mga miyembro ay sumali sa 30-day retreat na ibinigay ng CLC.
Ginanap sa San Jose Seminary, Ateneo de Manila
Tumulong ang Tinig CLC sa World CLC Assembly ’76 na ginanap sa Baguio
Bilang tour guide sa immersion/exposure trip ng mga Delgado.
1977 - Sumali sa unang pagkakataon ang ilang miyembro sa isang Guide’s Training sa
Cebu.
1977-92 - Pinamahalaan ng mga miyembro ng Tinig CLC ang Daop Palad sa Pag-unlad
Consumer Coop sa pangunguna ni Ka Ascio Pacheco bilang Chairman.
1978 - Nabuo ang Ilaw CLC – Sta. Maria Bulacan sa pangunguna ni Ka Ireneo
Early 1980’s - Pinangunahan ni Ka Ascio Pacheco ang pagtulong ng Bulacan CLC sa pagtatanim
at paglilinis ng HDCFC sa Trece Martirez, Cavite.
1980 - Unti-unting nawala ang Hiyas, Light Searchers at Tinig CLC
1980 – 90 - Ginabayan ang Caloong Elders, kabataan (3 grupo)
1982 - 84 - Si Ka Nene Chua ay naglilingkod bilang miyembre ng National LC
1986 - Si Ka Amado Samson ay nagging miyembro ng Trece Resource Management
Committee
1993 - Ang natirang miyembro ng Tinig CLC ay sumali sa Tanglaw CLC gaya nina Rolly &
Amy Trinidad at Ernesto Pacheco
1994 - Si Fr. Celso Fernando ay nagging BagCan Regional EA
1994 - Sinimulang samahan ng Tanglaw CLC ang MPK sa paghubog ng mga miyembro.
1994 – 95 - Ginabayan ang Sapang Palay Lantay CLC – San Jose del Monte, Bulacan
1995 - Nabuo ang BagCan CLC Region at nahalal si Ka Amy Trinidad bilang Coordinator
1995 – 96 - Si Tinnah dela Rosa ay naatasang tumulong sa paghubog ng mga komunidad ng
Kabataan CLC sa Bulacan
1995 – 97 - Si Ka Amy Trinidad ay naglingkod bilang miyembro ng National LC
1996 – 98 - Nagbuo ng grupo sa Hagonoy, Bulacan
1998 – 99 - Ginabayan ang Sagrada Pamilya ng Hagonoy at kababaihan ng San Diego, Bancal
1999 – 2001 - Ginabayan ang San Pascual, Sta. Maria, Bulacan.
2000 - 25th Anibersaryo ng Tanglaw CLC – Buwan ng Nobyembre
2001 - Ang BagCan Region ang nag-organisa ng CLCP Convention na ginanap sa Mirador
Villa
2001 – 02 - Si Jomar, isang JVP volunteer, ay na-aasign sa Bulacan para magbuo ng mga
CLC Communities – umusbong and ACDC CLC sa Hagonoy, Bulacan
2001 – 03 - Si Ka Erning Pacheco ay nanungkulan bilang BagCan Coordinator at si Ka Amado
Samson bilang miyembro ng National LC
2002 – present - Nag-umpisang gabayan ang Fatima’s Angel at mga miyembro ng community.
Ito ay tinatawag na Lingkod CLC
Affairs Ministry Group, Libtong Elders, KASAMA (Kabataang Sama-sama sa
Mabuting Adhikain) sa Bancal
2003 - Ginanap sa Trece Martirez ang pinakaunang Bulacan Regional Convention
Nagsimula ang pag-aapostolado ng mga miyembro ng Tanglaw sa Galilee Home
(Drug Rehabilitation Center) sa Doña Remedios, Trinidad, Bulacan
2004 - 1st Strategic Planning Session of Bulacan CLC sa tulong nina Gigi Alpajora
at Leah Auman. Nabuo ang Bulacan Leadership Community
2005 - Nahalal na kasapi ng National Leadership Community si Rolly Trinidad ng Tanglaw
2006 - Kumuha ng Group Guides’ Training – Called to Shepherd sina Rolly at Amy
Trinidad sa CLC Center, Ateneo de Manila
2007 - Nagwagi ng Magis Award ang Tanglaw CLC kasabay ng pagdiriwang ng ika-40
Taon ng CLC sa Pilipinas
2008 - CLCP Magis at 40 Encounter ng Bulacan CLC, Adiarte Farm, Sta. Maria, Bulacan –
November 22, 2008
2009 - Tanglaw alive & kicking at 34. “NA ’09 – Tayo na Ilakad ang Salita”
2010 - 35 years na ang Tanglaw
2011 - Naihalal si Amy Trinidad bilang kasapi ng National LC sa ginanap na National
General Assembly October 2011
2012 - 37th Anibersaryo ng pagkakatatag ng Tanglaw CLC
Pagsasagawa ng mga proyekto bilang tugon sa Strategic Directions
TILA ISANG PUNLA
Ganyan nagsimula ang grupo ng Tanglaw
Parang isang punlang pinulak sa parang
Saka itinanim sa piling lugar
Ng mapagpalang kamay
Dinidilig araw-araw
Mga dawag at damo’y tinatanggalan
Lupang nakapaligid ay binubungkal
Upang mga ugat nito’y maging malaya sa paglago at paggalaw
Tunay ngang isang punla nagging buhay nitong Tanglaw
Kung minsa’y nalalanta, natutubig, nabubuwal
Ngunit sa pagtulong ng Poong Maykapal
Laging nakakabawi, umuusbong, nag-uuhay
Ngayo’y malaki na, matikas, malabay
Ngunit bakit kaya tila nababaog itong tanim?
Pagkat walang bunga o mga buko man lang na sumupling
Di kaya kaawaan, pagbigyan ang dalangin?
At sa tinagal tagal ng 37 taong paghihintay
Ni isang bunga o buho man ay wala pa
Umaasa pa rin at umaapela sa awa ng Poon
Itong puno ng Tanglaw kahit isang bunga ay magkaroon.